Wala raw sabit, tsika ni Lolit: Boyet lagare sa Kapamilya at Kapuso

Wala raw sabit, tsika ni Lolit: Boyet lagare sa Kapamilya at Kapuso

Kumpirmadong kasama na nga sa cast ng ‘Huwag Kang Mangamba’ si Christopher de Leon kaya masasabing lagare ang veteran actor sa ABS-CBN at GMA-7.

Kasama rin kasi ang mister ni Sandy Andolong sa cast ng ‘Lolong’ ng Kapuso Network na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Kahapon, tinawagan ko ang manager ni Boyet (paboritong tawag sa aktor), si Lolit Solis, para tanungin kung hindi ba magkakaroon ng problema dahil dalawa ang shows ng kanyang alaga at sa magkaibang TV networks pa?

“Sabi naman ni Boyet, walang magiging problema dahil ipapalabas naman kaagad ‘yung sa ‘Huwag Kang Mangamba’ dahil ongoing na ‘yung series na ‘yon.

“Special guest lang doon si Boyet dahil hindi naman aabutin next year ‘yung show na ‘yon.

“’Yung ‘Lolong’ naman, mga January pa magpa-pilot ‘yon sa GMA-7, so, ‘tapos na ang ‘Huwag Kang Mangamba’ by that time.

“Saka sandali lang talaga ang lock-in taping ni Boyet doon sa show ng ABS-CBN. Saka ‘yung ‘Lolong’, baka November pa nga uli sila magla-lock-in taping doon, kaya hindi talaga sasabit,” pahayag pa ni Manay Lolit.

Hindi naman exclusive si Boyet sa kahit na saang TV networks, kaya wala nga talagang problema sa bagay na ‘yon. (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *