Walang halong politika Ogie may fundraising para sa mga frontliner

Walang halong politika Ogie may fundraising para sa mga frontliner

Kahapon ay katsikahan ko sa pamamagitan ng Viber app si Ogie Alcasid.

Kinumusta ko ang singer-songwriter dahil sa magnitude 5.7 earthquake kahapon ng 1:12 am sa Looc, Occidental Mindoro na naramdaman kahit sa buong Metro Manila.

Isa ba siya sa mga nagising dahil sa earthquake na ‘yon?

“Hindi ako nagising dahil sa lindol. Ginising ako ni Reg. Nagising kasi siya sa lakas. Hindi ko naramdaman, after na kasi. Pero nakita ko ‘yung chandelier, swinging. Ang lakas nga raw. We prayed,” pahayag ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Samantala, naikuwento sa akin ni Ogie na may fundraising project siyang pinaghahandaan para sa mga frontliner.

“Ask ko ang help mo. Balitaan kita sa mga mangyayari. No politics ito, tulong lang talaga.

“I wrote a song na kakantahin ng OPM artists then will do an online concert this November,” sabi pa ni Ogie.

Siyempre ang misis niyang si Regine ang isa sa mga tutulong sa proyektong ito ni Ogie.

Samantala, ayaw na ring patulan ni Ogie ang ibang mga namba-bash sa kanya dahil sa isang live streaming sa social media ng misis niya.

May konting problema kasi sa audio at dahil si Ogie ang namamahala sa technical side, kung anu-anong bashing na ang ginawa sa kanya.

Siyempre, ipinagtanggol siya ni Regine, pero sabi ni Ogie, mas okey raw na tahimik na lang siya.

Sabi ko naman sa kanya, ang mga basher will always be haters, kaya tama lang na huwag na nga siyang pumatol pa, ‘noh?!

‘Yun na!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *