Ang bongga ng transformation: Kisses inaasahang maiuuwi ang korona bukas sa MUP

Ang bongga ng transformation: Kisses inaasahang maiuuwi ang korona bukas sa MUP

Bukas na talaga ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 at mapapanood ‘yon nang live sa pamamagitan ng streaming simula 7:00 pm sa KTX.ph.

Bago ang inaabangang coronation night bukas na magaganap sa Henann Resort Convention Center sa Bohol, nagpakitang gilas na ang natitirang 28 candidates sa iba’t ibang pageant activities na naganap last week.

Una silang sumabak sa preliminary interviews noong September 24 (Friday) kung saan binigyan sila ng 30 seconds para sagutin ang bawat isa sa limang katanungan.

Inirampa naman nila ang kanilang mga red swimwear at magagarbong evening gowns noong September 26 (Sunday) sa Clark International Airport.

Marami naman ang nagsabing ang bongga ng transformation ng showbiz darling na si Kisses Delavin na hinuhulaang mag-uuwi ng MUP 2021 crown, huh!

Anyway, maaari pang bumoto ang mga fans para sa paborito nilang kandidata hanggang ngayong araw na ito, September 29 (Wednesday). Ang kandidata na may pinakamaraming boto ay pasok na agad sa Top 16.

Aba, sa sipag ng mga fan ni Kisses na bumoto, puwedeng sabihin na sure na siya na papasok sa Top 16, ‘noh?!

Huwag palampasin ang chance na unang mapanood ang coronation night sa September 30 at bumili na ng tickets sa KTX.ph sa halagang P499. Mag-log in lang sa Miss Universe Philippines 2021 para makabili ng tickets.

Bongga! (Ann Luja)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *