Duterte-Duterte sadsad sa survey! Sara, Tito patok sa 2022

Duterte-Duterte sadsad sa survey! Sara, Tito patok sa 2022

Napanatili ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pangunguna sa pagpipiliang presidente para sa Halalan 2022, ayon sa Pulse Asia survey na nilabas nitong Miyerkoles.

Mula sa 28% noong Hunyo, bumagsak naman sa 20% ang rating ni Mayor Sara sa survey na isinagawa noong Setyembre 6 hanggang 11, 2021.

Nasa likod naman ni Mayor Sara si dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na may 15%, Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso (13%) at Senador Manny Pacquiao (12%).

Nakabuntot naman sina Senador Grace Poe (9%), Vice President Leni Robredo (8%), at Senador Panfilo Lacson (6%).

Pinataob naman ni Senate President Vicente Sotto III ang dating nangungunang kandidato sa vice presidential race na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Sotto ay nakakuha ng 25% mula sa 10% noong Hunyo, habang si Pangulong Duterte ay bagsak sa 14% mula sa dating 18%. Nakakuha naman si Moreno ng 12%, Marcos (12%), at Pacquiao (7%).

Umabot sa 2,400 representative adults na may edad 18 pataas ang lumahok sa survey.

Samantala, nagpasalamat naman si Sotto sa pagtitiwala ng taumbayan sa kanya at nangakong pag-iigihin pa ang serbisyo publiko.

“I will use this confidence booster to work harder as the top official of the Senate, as I present myself to our people as a worthy and reliable candidate for VP,” ani Sotto.

Tiniyak naman ni Lacson na hindi nila pinag-iisipang i-recalibrate ang campaign strategy. Binati naman niya ang running mate na si Sotto sa pangunguna sa vice presidential survey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *