Magsasaka binoga, patay

Magsasaka binoga, patay

Isang magsasaka ang binaril at napatay sa Barangay Cadanglaan, Magsingal sa Ilocos Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Renato Tabbal y Jimenez, 47, may asawa, residente ng Barangay Lao-ingen, Sto. Domingo sa Ilocos Sur.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagpunta umano sa gubat ang biktima para manguha ng mga kahoy na panggatong.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig na lang ang mga residente ng putok ng baril mula sa lugar na kinaroroonan ng biktima.

Nang puntahan ang pinagmulan ng putok, natagpuan nilang duguan at wala ng buhay ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo ng pamamaslang at kung sino ang salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *