Pacquiao goodbye na sa boksing: ‘I heard the final bell’

Pacquiao goodbye na sa boksing: ‘I heard the final bell’

Narinig na ni Manny Pacquiao ang final bell, tapos na ang boksing.

Isasabit na ng nag-iisang eight-division world champion ang kanyang gloves matapos ang higit dalawang dekadang pakikimahok sa ring.

“As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world, especially the Filipino people, for supporting Manny Pacquiao,” bahagi ng pamamaalam ng Senator sa kanyang 14-minute video sa Facebook.

Ang mga tumulong at kumupkop sa kanya noong nagsisimula pa lang, iniisa-isa ni Pacman.

Inuna niya ang kamag-anak na si Sardo Mejia na nagturo daw sa kanya ng boksing.

Na-reject daw siya sa Philippine team, sinabihang walang pag-asa.

Ang nawala sa national squad, naging pinakamaangas sa world stage sa pamamagitan ni legendary trainer Freddie Roach na tinawag niyang “family, brother, brother.”

Special mention ang una niyang manager na si Rod Nazario na nagdala sa kanya sa States, ang sanggang-dikit na si trainer Buboy Fernandez, ang Team Pacquiao, “beautiful wife and best friend” Jinkee at Mommy Dionesia.

“To all the media who have taken the time to tell my story, and for supporting boxing, please accept my deepest appreciation,” dagdag ni Pacquiao. “I truly value your hard work.”

Halata ang emosyon sa boses ni Pacquiao.
“I heard the final bell. Goodbye, boxing.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *