Christopher Kapamilya muna

Christopher Kapamilya muna

So, tama ang inilabas ng NewsKo noong Tuesday na ang premyadong aktor na si Christopher de Leon ang pumalit kay Ian Veneracion sa inspirational series na ‘Huwag Kang Mangamba’ ng ABS-CBN!

Nag-announce na nga ang Kapamilya Network na isang important role ang gagampanan ng multi-awarded actor sa buhay ni Mira (Andrea Brillantes) sa pagpasok niya sa new chapter ng show ngayong October.

Si Christopher ang gaganap sa role ng misteryosong si Elias na mapapalapit kay Mira at sa mga kapwa nito ampon na nakatira sa ilalim ng malupit na pamamahala nina Thelma at Armand (Andrea del Rosario at Richard Quan).

Unang ini-offer kay Ian ang nasabing role, pero nagkaroon ng conflict sa schedule ng aktor, kaya si Boyet (palayaw ng mister ni Sandy Andolong) ang ‘sumalo’ bilang si Elias.

Nilinaw na ng manager ni Boyet na si Lolit Solis na hindi magkakaroon ng problema ang special guesting ng premyadong aktor sa ‘Huwag Kang Mangamba’ kahit na kasama rin ito sa ‘Lolong’ ng GMA-7 dahil kapag mag-i-air na sa January ang Kapuso series na pagbibidahan ni Ruru Madrid ay siguradong tapos nang umere ang inspirational series ng Kapamilya Network.

Samantala, kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng ‘Huwag Kang Mangamba’ gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa viewers abroad, mapapanood ang show na pinagbibidahan nina Andrea at Francine Diaz sa TFC (The Filipino Channel) sa cable at IPTV. (Ann Luja)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *