Gretchen mami-miss ang ka-‘tandem’

Gretchen mami-miss ang ka-‘tandem’

Hindi na rin naman lihim na magiging Kapuso na si Kim Atienza, kaya tinanong namin ang ka-‘tandem’ niya sa ‘TV Patrol’ na si Gretchen Fullido kung ano ang nararamdaman niya ngayong maggo-goodbye na sa kanila ang kanilang ‘weather man’?

“We will super miss him. But we’re good friends and family friends, so, kahit saan naman, friends forever!” ang pahayag ni Gretchen.

Ayaw namang magbigay na ni Gretchen ng kahit na ano pang impormasyon tungkol sa pag-alis ni Kuya Kim sa ABS-CBN.

Nagbigay lang siya ng ganoong message para sa kanyang ka-‘tandem’ nang sabihin namin sa kanya na mismong ang tatay na ni Kuya Kim, si Congressman Lito Atienza ang nagkumpirmang lilipat na sa GMA-7 ang Kapamilya newscaster.

Samantala, ayon sa isang source, maayos ang pagpapaalam ni Kuya Kim sa mga ‘boss’ nila sa ABS-CBN.

“Smooth sailing. Maayos na paalam with blessing,” sabi ng source ng NewsKo. (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *