P29M ‘di rehistradong gamot naharang ng BOC

P29M ‘di rehistradong gamot naharang ng BOC

Dalawampu’t siyam na milyong pisong halaga ng hindi rehistradong gamot na mula umano sa Hongkong ang nasamsam ng Bureau of Customs Port of NAIA.

Sinabi kahapon ng BOC na nakatanggap sila ng impormasyon na may parating na kargamento na naglalaman ng hindi rehistradong gamot kaya isinailalim sa masusing inspeksyon ang may anim na kargamento na mula sa Hongkong kung saan nadiskubre ang may 146,000 kahon ng Lianhua Qingwen Jiaonang, isang traditional Chinese medicine na walang mga Food and Drug Administration (FDA) clearance na tinatayang nagkakahalaga ng P29,328,000.

Sinabi pa ng BOC-NAIA na hindi mahagilap ang consignee ng naturang kargamento sa address na ibinigay.

Ang naturang mga gamot ay isasailalim sa seizure and forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) na may kaugnayan sa Section 117 (Regulated Goods) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Food and Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *