Pensyon ng mga Senior dodoblehin

Pensyon ng mga Senior dodoblehin

Hiniling ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa Senado na agarang aprobahan ang panukalang batas para doblehin ang P500 buwanang pensyon ng tinatayang 3.8 milyong mahihirap na senior citizen.

“The bill is already with the Senate, after the House passed it in July. In fact, no less than Senate President Vicente Sotto III authored the counterpart Senate bill. Now would be a good time for the Senate to pass the bill while we are observing Elderly Filipino Week,” giit ni Defensor.

Ginugunita tuwing Oktubre 1 hanggang 7 kada taon ang Elderly Filipino Week, bilang pagkilala sa mga Filipino na may edad 60 pataas, alinsunod na rin sa isang presidential proclamation.

Kahit tanders na, nanindigan si Defensor na malaki pa rin ang inaambag ng mga senior citizen sa ating bayan.

“We have a multitude of elderly Filipinos rearing their grandchildren whose parents have been driven to work overseas in search of greener pastures,” paliwanag ni Defensor, vice chairperson ng House committee on welfare of children.

“Countless elderly Filipinos also keep on working not only to support themselves, but also to help pay for the needs of their financially struggling children and grandchildren,” dagdag ng kongresista.

Kapag naging batas ang panukala, obligado ang Kongreso na doblehin din ang P47 bilyong taunang badyet sa Social Pension for Indigent Senior Citizens ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *