Rebelde todas sa enkuwentro sa Albay

Rebelde todas sa enkuwentro sa Albay

Isang umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay makaraang makaenkuwentro ng pulisya sa Tiwi, Albay noong nakaraang Biyernes.

Kinilala ni Brig. Gen. Jonnel Estomo, Bicol regional police director, ang napatay na si Pedro Cuerdo.

Ayon sa ulat, nakasagupa ng mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 5 ang may 10 rebelde na pinaniniwalaang kaanib ng Kilusang Partido 3 dakong alas-12:30 ng umaga noong Biyernes sa Barangay Joroan.

Nasa combat operation umano ang mga awtoridad nang makasagupa ang mga rebelde na pinaniniwalaang nagsasagawa ng surveillance at may intensyong sumalakay sa police at military outposts.

Nakarekober ang pulisya ng isang kalibre .45 baril, mga bala at iba pang subersibong dokumento.

Sinabi pa ni Estomo na inalerto na ang iba pang police units at nagkasa ng mga checkpoints para maagapan ang posibleng pag-atake ng mga rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *