P11T utang ang babayaran ng winner

P11T utang ang babayaran ng winner

BUMABAGSAK ang ekonomiya ng US.

Bumabagsak din ang ekonomiya ng China.

Paano aangat ang ekonomiya ng ‘Pinas?

Paki-explain po.

NAGSISIPAGBITIW isa isa ang matataas na ehekutibo ng isang dambuhalang bangko sa Pilipinas.

Anong lagim ang kanilang nakikita next year at sa susunod na mga taon?

HIGIT nang P11 trilyon ang utang ng Pilipinas.

Nagsipag-file na ng COC ang mga nais magbayad nito.

NAIS na ng North Korea na makipagkasundo sa South Korea.

Mas mainam ‘yan, kaysa mamamatay sila sa gutom.

KAKANDIDATO muling kongresista si ex-PGMA.

May mang-aagaw na naman ng speakership.

TARGET daw ng demolition job si Sen. Richard Gordon.

Ano naman ang ide-demolish sa kanya?

PAANO daw kapag dinaya sa senatorial election si Raffy Tulfo?

Kangino siya magsusumbong?

KAKANDIDATO sa pagka-vice president si Sen. Bong Go.

Pwes, magmamalasakit sa kanya ang higit 100 Malasakit Center.

MAHIGIT nang 10 bangko ang isinarado ng Bangko Sentral sa panahon ng pandemya.

Madaragdagan pa ito anumang araw.

DUMARAMI na naman ang kaso ng mga pagnanakaw at holdap.

Iyan ay indikasyon ng pagdarahop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *