2 pinagbabaril sa Tondo, patay

2 pinagbabaril sa Tondo, patay

Pinagbabaril at pinatay ang isang babae at isang lalaki na nasa loob ng bahay sa Balut, Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District, pinasok ng hindi kilalang mga salarin ang isang bahay sa San Pedro Street sa Barangay 146, Balut, Tondo bandang ala-una ng madaling araw.

Pinagbabaril umano ng mga salarin ang hindi pa kilalang mga biktima na sinasabing hindi residente ng naturang lugar.

Naisugod pa sa Tondo General Medical Center ang dalawang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

May hinala ang mga awtoridad na may kinalaman sa ilegal na droga ang naganap na pamamaslang.

Pinag-aaralan pa ng mga imbestigador ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *