DPWH Region 1 wagi sa CSC Awards

DPWH Region 1 wagi sa CSC Awards

Dahil sa natatanging ambag sa public service excellence, kinilala ng Civil Service Commission (CSC) at ngayon ay maihahanay na sa mga ahensya ng pamahalaan na tumanggap ng natatanging karangalan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) – Regional Office 1 na naka-base sa San Fernando City, La Union.

Ang DPWH Regional Office 1 sa pamumuno ni Director Ronnel M. Tan ay ginawaran ng Certificate of Appreciation ng CSC sa ika-121 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Bukod diyan, kinilala din ng CSC si DPWH Secretary Mark A. Villar sa patuloy nitong paglilingkod sa bansa sa gitna ng umiiral na krisis, kalamidad at mga emergencies.

Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri ng CSC Regional Office at ng kanilang field offices, si Director Tan ng DPWH Region 1 Team ay napiling parangalan dahil sa ” unrelenting efforts and extraordinary services filled with admirable courage and dedication in performing sworn duties in the midst of the COVID-19 pandemic.”

Labis namang ikinatuwa ni Director Tan ang karangalang natamo ng DPWH Region 1 sa larangan ng frontline service mula sa CSC award.

“On behalf of the men and women of DPWH Regional Office 1, we are grateful to accept the recognition and overwhelmingly proud by the text of the certificate “you are all heroes,” pahayag ni Director Tan.

Nabatid na tanging ang DPWH Region 1 sa pamumuno ni Director Tan ang nag-iisang DPWH regional office sa bansa ang tumanggap ng ganitong karangalan mula sa CSC.

Ang sertipikasyon ng pagkilala ay bilang parangal sa DPWH Region 1 frontliners at sa kanilang hindi mababayarang kontribusyon upang mabawasan ang epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19, gayundin sa kanilang pagtugon sa mga emergency situations.

Matatandaan na nagtamo rin ng karangalan ang DPWH Region 1 office sa ilalim ng pamumuno ni Director Tan, bilang Top Performing Implementing Unit ng nabanggit na kagawaran sa Unified Directors Meeting noong Sept. 10 sa Hilton Clark Sun Valley Resort, Clark Freeport, Pampanga.

Maliban pa rito, si Director Tan ay ilang ulit nang kinilala ni Sec. Villar bilang most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *