Siya muna ang kapalit ni Vice, Ogie at Vhong ‘tandem’ swak sa ‘It’s Showtime’

Siya muna ang kapalit ni Vice, Ogie at Vhong ‘tandem’ swak sa ‘It’s Showtime’

Si Ogie Alcasid muna ang guest host sa ‘It’s Showtime’ habang absent sa show si Vice Ganda.

Nagsimulang mag-host noong Saturday sa Kapamilya Network noontime show si Ogie. Masaya ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid sa magandang feedback ng mga avid viewer ng ‘It’s Showtime’ sa ‘tandem’ nila ni Vhong Navarro.

“Nakakatuwa nga ang lahat ng mga comment sa YouTube at Twitter. I’m just so happy and humbled. Salamat talaga!” sabi ni Ogie nang makausap ko siya kahapon sa pamamagitan ng Viber app.

“So, habang wala si Vice sa show, siya muna ang guest host?” tanong ko uli kay Ogie.

“Oo, pero hindi ko matutuloy-tuloy. May commercial shoot din kasi kami, kaya kailangan kong mag-quarantine.

“After ng commitment kong ‘yon, tuloy uli ako sa ‘It’s Showtime’,” pahayag pa ni Ogie.

Teka! Hindi kaya dahil sa pagho-host ni Ogie ngayon sa ‘It’s Showtime’ at click nga silang dalawa ni Vhong ay biglang maisipan ng ABS-CBN management na bigyan sila ng comedy show?

Puwede! (Jun Lalin)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *