27 barangay sa Capiz binaha sa bagyong Lannie

27 barangay sa Capiz binaha sa bagyong Lannie

Umabot sa 27 barangay ang binaha sa Capiz matapos ang walang tigil na ulan sa kasagsagan ng bagyong Lannie.

Sa ulat, una umanong binaha ang 13 barangay noong Lunes pero kahapon, araw ng Martes, ay umabot na sa 27 barangay ang binaha.

“Kung kahapon ay 13 pa lang po yung binabaha, ngayon ay 27 barangays na at saka 4 na municipalities ang affected,” pahayag ni Jing Pelaez ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa interview ng Teleradyo kahapon.

Kabilang umano sa mga bayan na apektado ay ang Mambusao, Jamindan, Dumalag at Sigma.

Nasa 17 indibidwal o 7 pamilya naman ang inilikas sa bayan ng Mambusao dahil sa pagbaha.

Sa kasalukuyan, inalis na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal sa lahat ng bahagi ng bansa habang ang Tropical Depression Lannie ay patuloy na lumalayo sa bansa sa direksyong northwestward sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *