Allen ka-level ni Nora

Allen ka-level ni Nora

Gagawaran ang multi-awarded actor na si Allen Dizon ng Dambana ng Kahusayan sa Pagganap mula sa mga guro na bumubuo ng Gawad Pasado.

Ito ang equivalent ng Hall of Fame dahil anim na beses nang nagwagi ng Best Actor trophy mula sa Gawad Pasado si Allen.

Igagawad sa aktor ang parangal sa Saturday (October 9) sa pamamagitan ng virtual sa 23rd year na pagbibigay ng award ng grupo.

Ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (Pasado) ay samahan ng mga guro sa pribado at pampublikong paaralan at mga pamantasan na nagbibigay ng pagpapahalaga sa Pelikulang Pilipino at ginagamit ito bilang materyal na panturo sa makabagong disiplina.

Kinilala ang husay ni Allen sa pagganap sa mga pelikulang ‘Lauriana’, ‘Magkakabaung’, ‘Iadya Mo Kami’, ‘Bomba’, ‘Alpha: The Right to Kill’ at ‘Mindanao’.

Allen is in good company. Si Nora Aunor ang tanging Hall of Fame awardee ng Gawad Pasado for having won six awards mula sa grupo.

Ibig sabihin ka-level ni Allen sa husay ang Superstar.

Samantala, katatapos lang ni Allen gawin ang movie na ‘AbeNida’ sa direksyon ni Louie Ignacio. (Ricky Calderon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *