BBM nambulabog sa emergency alert system! “May ill-gotten airwaves din pala”- Colmenares

BBM nambulabog sa emergency alert system! “May ill-gotten airwaves din pala”- Colmenares

Kung mapapatunayan na ginamit ni dating Senador Bongbong Marcos ang emergency alert text para sa paghahain niya ng kandidatura sa pagka-pangulo, masasabing guilty ang anak ng dating diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos sa pagnanakaw umano ng airwaves, ayon kay dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

“If they indeed hijacked the Bayan Muna authored law for emergency alerts, then they should be investigated. When we authored the bill my intention was to help save lives. Not to be used for vested personal interest of politicians. Kung totoo ito, di lang ill-gotten wealth ang kaso, ill-gotten airwaves din pala,” patutsada ni Colmenares.

Pinaiimbestigahan na ng Bayan Muna Party-list kung papaano nagamit ng kampo ni Marcos ang emergency alert frequency na dapat ay ginagamit lamang sa panahon ng kalamidad, tulad ng bagyo o lindol.

Matapos magdeklara noong Martes na tatakbo sa pagka-presidente si Marcos, pumasok sa mga cellphone ang emergency alert messages na may #BBM2022.

Nakasulat sa emergency alert ang: “Buong Buo and Malasakit sa Bansa. Buong Buhay and Maialay sa taong bayan. Bagong Bukas na Masagana para sa masa. BaBangon Muli ang Pilipinas (V) BBM sa bansa, BBM sa taong bayan, BBM sa Masa. BBM Pilipinas!!! #BBM2022”

Depensa naman ng kampo ni Marcos, bahagi ng demolition job sa dating senador ang iligal na paggamit ng emergency alert message.

“The illegal use of the emergency blast was done at a time when Bongbong Marcos was filing his CoC and is viewed as among the many demolition jobs unleashed by those who obviously want to frustrate his candidacy,” ayon kay Atty. Victor Rodriguez, chief of staff ni Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *