Belmonte, Defensor banggaan sa QC mayoral derby

Belmonte, Defensor banggaan sa QC mayoral derby

Naghain ng kandidatura para sa kanyang reeleksyon nitong Martes si Quezon City Mayor Joy Belmonte kung saan makakabangga niya si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa 2022 elections.

Nagsampa rin ng certificate of candidacy si incumbent Vice Mayor Gian Sotto na makakalaban naman si Councilor Winnie Castelo na siyang running mate ni Defensor.

Sina Defensor at Castelo ay maghahain ng COC sa Huwebes sa ilalim ng koalisyong Malayang Quezon.

Magiging kandidato nila sina reelectionist Quezon City Reps. Anthony Peter “Onyx” Crisologo (first district); Precious Hipolito-Castelo (second district); at Allan Reyes (third district).

Isasabak din nila si Councilor Marvin Rillo bilang congressional candidate sa fourth district; Rose Lin sa fifth district; at dating Rep. Vincent “Bingbong” Crisologo sa sixth district.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *