Choco Mucho naisahan ang Rebisco

Choco Mucho naisahan ang Rebisco

Natisod sa first set, bumalikwas sa sumunod na tatlo ang Choco Mucho para itumba ang Rebisco sa all-Pinay classification match ng Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand kahapon.

Inangklahan nina Kalei Mau at MJ Phillips ang fightback bago tinuldukan ng ace ni Deanna Wong para kumpletuhin ang 22-25, 25-17, 25-19, 25-17 unang panalo sa apat na salang.

Babalik ng Terminal 21 competition hall ang Choco Mucho para makipagrambulan sa Zhetysu ng Kazakhstan sa battle for fifth ngayong araw.

Hindi tumikim ng panalo sina Aby Marano at Dindin Santiago-Manabat, tumapos na pampito ang Rebisco sa 0-5.

Higit sa panalo, isinagupa ng Philippine National Volleyball Federation ang dalawang women’s squads na kailan lang nabuo para matasahan ang overall performance.

“These are birth pains and baby steps,” paghahalintulad ni PNVF president Tats Suzara sa dinaanan ng teams. “Because of the lockdowns that are going on for some 19 months now, these ladies haven’t had a single, serious international exposure.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *