Grizzlies-Bucks game suspendido sa fake fire alarm

Grizzlies-Bucks game suspendido sa fake fire alarm

Tinigil sa third quarter ang preseason game ng Bucks at Grizzlies nang tumunog ang fire alarm sa FedEx Forum sa Memphis.

Abante ang Grizzlies 87-77 nang tapusin ang laro.

Bumukas ang sprinkler sa isang bahagi ng arena, pinapasok sa kani-kanilang locker ang teams.

Natunton at nakumpirmang false alarm ang tumunog, makalipas ang mahaba-habang diskusyon ay nagdesisyon ang liga na hindi na ituloy.

Hindi naglaro sa Milwaukee sina Giannis Antetokounmpo, Khris Middleton, Jrue Holiday at Bobby Portis – mga kamador sa title run ng Bucks nitong 2020-21.

Pasiklab si Ja Morant ng 27 points mula 11 of 18 shooting na kinapalooban ng throw-down high-flying dunks para sa home team.

Namuno ang 16 points ni Jordan Nwora sa Bucks.

Habang naghihintay ng desisyon, nilabas ni Middleton ang barbeque na inihanda ng team at nilantakan.

Lumabas ng arena si Holiday dala ang chicken bucket, may bitbit ding table sina Milwaukee coach Mike Budenholzer at assistant niya. Sa team bus na nag-picnic ang Bucks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *