Kabaong iniharang sa daan

Kabaong iniharang sa daan

Inaalam na ngayon ng pulisya kung sino ang naglagay ng isang puting kabaong sa gitna ng kalsada sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija noong nakaraang Martes ng madaling araw.

Sa ulat ng GMA News, nagulat ang ilang motorista at residente ng Aliaga, Nueva Ecija nang tumambad sa kanilang paningin ang isang puting kabaong sa mismong gitna ng kalsada.

Madilim umano at walang ilaw sa lugar bukod sa malapit pa ito sa sementeryo kaya natakot ang mga motorista

at residenteng nakakita sa kabaong. Ang iba umanong sasakyan ay napahinto habang ang iba ay humanap ng ibang madadaanan.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam kung sino ang naglagay ng kabaong sa kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *