Mister ni Kris super rich

Mister ni Kris super rich

May nag-feature sa isang YouTube vlog ng net worth daw ng napangasawa ni Kris Bernal na si Perry Choi.

Kung tama ang lumabas sa vlog, nasa 50 million daw ang net worth ng mister ni Kris. Bukod pa roon ang business ng pamilya ni Perry. Distributor sila ng high quality meats at may iba’t ibang restaurant din daw.

Dahil sa business na ito ni Perry kaya sila nagkakilala ni Kris nang mag-put up ang aktres ng kanyang MeatKris business noon.

Sadyang workaholic lang talaga si Kris at takot na mawalan ng career, kaya sumabak kaagad siya sa showbiz work two days after nilang maikasal ni Perry kahit kayang-kaya naman siyang buhayin ng mister. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *