Mukhang sasali uli next year: Kisses naka-move on na sa pagkatalo

Mukhang sasali uli next year: Kisses naka-move on na sa pagkatalo

Nasa Bohol pa rin daw si Kisses Delavin kunsaan ginanap ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.

Nag-e-enjoy pa raw sa lugar na ‘yon ang dalaga.

Nakausap kahapon (October 5) nang live sa ‘Unang Hirit’ si Kisses at kung titingnan ito, mukhang naka-move on na rin naman siya sa kanyang pagkatalo sa nasabing beauty pageant.

Positive din si Kisses sa dialogue niya na, “I’m excited po to go back to work and ang napi-feel ko ngayon, grateful.”

Ipinaliwanag din ni Kisses ang nag-viral niyang video after ng beauty pageant kunsaan ay nakitang umiiyak siya.

“Sa backstage po ang daming emotion. I think, lahat kami umiyak. Kasi, nandoon ang family namin. Inaalala namin ang mga designer namin. ‘Yung lahat ng pagod, ‘yung friendship. Ang sarap sa feeling. Natapos ang pageant not because you want it to be over but you realized how much you gain.”

At mukhang may plano pa rin na sumali muli si Kisses dahil sey niya, 22 pa lang daw siya kaya may chance pa siyang mag-join muli. Nalungkot daw siya sa ibang ‘sisters’ niya na 28 na at wala nang chance na makapag-join uli.

Naging close daw talaga sila at ‘twin sisters’ ang tawagan nila. ‘Yun daw ang mami-miss niya – ang company ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *