2 magsasaka binistay ng bala

2 magsasaka binistay ng bala

Dalawang magsasaka ang pinagbabaril at napatay dahil sa umano’y awayan sa lupa sa lalawigan ng Cotabato noong Miyerkoles.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Rufo Angelika, 50-anyos, may asawa, isang PWD, residente ng Barangay Tibao, M’lang Cotabato at Sinon Simpino, 51, may asawa at nakatira sa Barangay Greenhills President Roxas, Cotabato.

Sa isang radio report, sinabi ni Mlang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon na habang nagtratrabaho ang mga biktima sa sakahan na pagmamay-ari ni Jun Nietes sa Barangay Tibao at hangganan ng Barangay New Antique sa bayan ng M’lang ay bigla na lamang sumulpot ang mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

Walang sabi-sabing pinagbabaril umano ng mga salarin ang mga biktima gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng M’lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *