51 barangay sa Guimaras inilikas dahil sa rock slide

51 barangay sa Guimaras inilikas dahil sa rock slide

Limampu’t isang pamilya sa Sitio Boro-Boro, Barangay Dagsaan sa Buenavista, Guimaras ang inilikas noong Lunes ng hatinggabi makaraang magkaroon ng rock slide noong kasagsagan ng bagyong Lannie.

Sa ulat nitong Miyerkoles, sinabi ni Dagsaan barangay chairman William Eslao na ang tuloy-tuloy nap ag-ulan dulot ng bagyong Lannie ang nagpalambot sa lupa at nagdulot ng pagdausdos ng malaking bato mula sa bundok na tumabon sa isang bahay.

Nawasak umano ang bahay ni Juvylee Talaron was habang bahagyang napinsala ang bahay ni Sandy Jimenez.

Ang bato umano ay halos kasing laki ng apat na kalabaw na pinagsama-sama.

Sa 51 pamilya na inilikas, 21 ang kasalukuyang tumutuloy sa Dagsaan Elementary School habang ang iba pang pamilya ay nagdesisyong makitira muna sa kanilang mga kaanak.

Irereport na rin umano sa Mines and Geosciences Bureau ang nangyari para makapagsagawa ng inspeksyon sa naturang lugar at nang mapagdesisyunan kung ano ang makabubuting gawin. (PNA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *