Andrea ang bongga sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Andrea ang bongga sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Napansin lang ng ilang mga kaibigan namin na gabi-gabing nanonood ng ‘Huwag Kang Mangamba’ na ang bongga ng role ni Andrea Brillantes bilang si Mira.

Heto nga at sa latest PR campaign ng ABS-CBN, sinabi nila na pikit-matang susunod si Mira (Andrea) sa sindikatong umampon sa kanya bilang kapalit ng kaligtasan niya sa mga tumitinding eksena sa Kapamilya series na ‘yon.

Ang bongga rin dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay, kailangang matutong magnakaw ni Mira para patunayan ang katapatan niya sa sindikatong pinamamahalaan nina Thelma (Andrea del Rosario) at Armand (Richard Quan).

At ngayon nga raw ay abala ang character ni Andrea sa paghahanda para sa bago niyang misyon sa tulong ni Elias (Christopher de Leon) at ng mga kapwa niya ampon.

Nagdurusa nga raw ngayon ang character ni Andrea sa bago niyang pamilya na inakala niyang magliligtas at magpoprotekta sa kanya. Napilitan kasi siyang sumama sa kanila dahil sa pagbabantang papatayin ang kapatid niyang si Joy (Francine Diaz) kung hindi siya aalis ng Hermoso.

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng ‘Huwag Kang Mangamba’ gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers abroad, mapapanood ang series sa TFC (The Filipino Channel) sa cable at IPTV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *