DOH sa publiko: ‘Wag maging kampante vs COVID

DOH sa publiko: ‘Wag maging kampante vs COVID

Umapela ang Department of Health sa publiko nitong Huwebes na panatilihin ang pag-iingat kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, masusing pinag-aralan ng ahensiya ang bilang ng mga bagong kaso nitong mga nagdaang araw, ang mababang laboratory output, pagbaba sa bilang ng test output na nagresulta sa mababang positivity rate at ang pagkabawas ng mga isinusugod sa ospital.

“With all of these factors validated at napag-aralan, we are confirming cases are declining pero hindi po ito senyales para tayo ay maging complacent,” wika ni Vergeire sa virtual press briefing.

“Alalahanin po natin na bagamat bumababa ang mga kaso, ang atin pong mga ospital ay meron pa rin pong pagkapuno,” paliwanag pa niya.

Sabi ni Vergeire, 68 percent ng intensive care unit beds sa buong bansa ang okupado.

“Kailangan pa rin mapag-ingatan, patuloy na mapababa at madecongest ang mga ospital so that we can be able to move on and open up some sectors in our economy,” giit ng opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *