Gordon mahilig daw sa Rolex! ‘Hindi ako nagnakaw ng relo. Kayo ang nagnakaw sa gobyerno ng P86 million’ – Duterte

Gordon mahilig daw sa Rolex! ‘Hindi ako nagnakaw ng relo. Kayo ang nagnakaw sa gobyerno ng P86 million’ – Duterte

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtungo siya sa isang luxury-watch store noong Sabado upang bisitahin ang dating kasintahan pero itinanggi nitong bumili siya ng mamahaling relo.

Ito ang buwelta ni Pangulong Duterte sa pasaring ni Senador Dick Gordon na nag-window shopping ng mamahaling relo ang pangulo at si Senador Bong Go kahit marami ang naghihirap ngayon pandemya.

Ayon sa Pangulo, mas type niyang magsuot ng relong pang-ragged. Pero si Gordon, aniya, madalas niyang makitang nakasuot ng Rolex sa pakikipagkita sa kanya.

Muling inurot ni Duterte ang senador na ibalik ang perang nawawala sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na pinagsilbihan nito mula 1992 hanggang 1998.

“Magpunta ko sa tindahan kasi may gusto akong makipagkita ng isang tao, girlfriend ko noon. Hiwalay na kami. Pero — gusto ko lang mamasyal, pumasok kami doon sa jewelry stores. Totoo ‘yun, totoo ‘yung magtingin ako ng mga relo. Sino bang ayaw ng relo kung magaganda?” paliwanag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People noong Miyerkoles ng gabi.

“Ang problema lang, kung may pera ka, kagaya sa iyo 86 million, ilang relo rin mabili mo. Kaya nahahalata ko, napupuna ko kasi ako mahilig sa —itong mga ganito lang, mga Casio. Pero every time magkikita tayo, the last time you were wearing a Rolex parang gold. Hindi ako nagnakaw ng relo. Pumunta ako ng tindahan. Kayo ang nagnakaw sa gobyerno ng 86 million,” diin pa ni Duterte.

Matagal nang itinatanggi ni Gordon ang paratang ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *