Lacson-Sotto tandem walang uupakang karibal sa halalan

Lacson-Sotto tandem walang uupakang karibal sa halalan

Nanindigan sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III na wala silang uupakang kalaban sa pagka-presidente at bise presidente sa darating na halalan.

Ayon kay Lacson, nagkasundo silang dalawa ni Sotto na mangampanya base sa kanilang merito at hindi magkomento sa mga kalaban sa May 2022 elections.

“We will focus only on presenting ourselves and our competencies to the electorate in an effort to get elected based on our own strengths, and not on the deficiencies of the others,” ani Lacson.

“We will raise the level of discourse of the campaign and deal with issues rather than personalities. We intend to keep it that way, even as we encourage our supporters to follow our lead,” dagdag pa niya.

Nitong Huwebes ay naghain ng kandidatura si Vice President Leni Robredo para tumakbong presidente sa darating na halalan. Sinabi niya sa kanyang talumpati na sinikap niyang makipag-usap sa ibang personalidad para pag-isahin ang kanilang puwersa pero nabigo ito.

Nangako naman si Lacson na kung papalaring manalong presidente sa halalan, itatalaga niya ang ilang kababaihan sa kanyang gabinete dahil isusulong niya ang gender equality.

Binanggit pa niya na maraming babaeng lider sa abroad ang kinikilala sa kanilang kagalingan tulad nina German Chancellor Angela Merkel at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

“Napakaraming magagaling na women leaders hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo rin,” ani Lacson.

Binanggit pa ni Lacson ang isang pag-aaral na ang mga kalalakihan ay mas delikadong bumigay sa korapsyon kaysa sa mga kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *