Pinagtatawanan lang ang issue na pinag-aawayan si Klea: Barbie at Jak hindi totoong hiwalay na!

Pinagtatawanan lang ang issue na pinag-aawayan si Klea: Barbie at Jak hindi totoong hiwalay na!

May narinig kaming sitsit na on the rocks daw ang relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Napansin daw kasi ng isang Kapuso executive na wala raw sa concentration palagi si Jak at hirap pag-promote ng kanyang new show with Klea Pineda.

Feeling tuloy ng ibang mga taga-GMA-7 ay may selosan factor na nagaganap sa pagitan nina Barbie at Jak at si Klea nga raw ang pinagseselosan ng girlfriend ng Kapuso hunk actor.

Pero hindi ba mahal na mahal nina Barbie at Jak ang isa’t isa at sinasabi nila na hindi sila nagpapaapekto sa mga intriga?

Anyway, nakakuwentuhan naman ng editor naming si Jun Lalin ang nanay ni Barbie, si Mommy Amy.

Natawa lang daw ang nanay ni Barbie sa tsikang hiwalay na ang anak at si Jak.

Totoo raw na hindi madalas na nagkikita ang mag-sweethearts dahil sa mga quarantine sa shows nila sa GMA-7, pero hindi raw hiwalay ang dalawa.

Sinabi raw ni Mommy Amy kay Jun na madalas na nag-aayos sa cellphone sina Barbie at Jak.

At kung pinagseselosan ni Barbie si Klea?

“Naku, naririnig ko nga po, nagtatawanan lang sila dahil diyan. Hindi po pinagseselosan ni Barbie si Klea,” sey raw ni Mommy Amy sa aming editor.

So, mabuti naman kung okey na okey sina Barbie at Jak, huh!

Talbog!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *