Ria at Enchong, nagpakilig sa IG

Ria at Enchong, nagpakilig sa IG

May mga kinilig sa Instagram post ni Ria Atayde.

Nag-post kasi ang anak ni Sylvia Sanchez ng picture nilang dalawa ni Enchong Dee.

At ang caption, “To better days.”

So, parang nagpa-confuse ‘yon sa mga netizen at followers nila. Kilalang matalik na magkaibigan sina Ria at Enchong at ang huli ay kilala rin na isa sa mga best friend ng kapatid ni Ria na si Arjo Atayde.

Nali-link naman si Ria ngayon kay Joshua Garcia.

Pero, na-link din dati pa sina Ria at Enchong.

Ang post daw ba na ‘yon ay pag-amin na may something sa kanilang dalawa or dahil sa pag-anunsyo ni Vice President Leni Robredo na tatakbo na ito sa pagkapangulo ng bansa come election on May 2022, kaya may ganoong posting si Ria?

Naka-pink si Ria na political color ni VP Leni at si Enchong ay known supporter ng huli. Tungkol lang daw ba do’n ang post na ito ni Ria na napuno ng heart emojis ang comment section ng kanyang Instagram?

May comment din na, “Simple post lang pero ba’t ako kinikilig?”

So, ano nga ba talaga?

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *