Rider dedo nang sumalpok sa trak

Rider dedo nang sumalpok sa trak

Agad binawian ng buhay ang isang rider makaraang bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang trak sa Quezon City noong Miyerkoles ng hatinggabi.

Batay sa ulat, wasak ang harapang bahagi ng isang motorsiklo sa lakas ng pagkakabangga sa truck.

Nangyari umano ang malagim na aksidente sa Quezon Avenue hatinggabi ng Miyerkoles.

Batay sa ulat, nagulat na lamang ang truck driver nang may kumalabog sa likuran ng trak.

Galing umano ang trak sa Pampanga at magdedeliber ng hollow blocks sa Quezon City nang maganap ang aksidente.

Sa kasalukuyan, nasa kostudya na ng Quezon City Police District Station 4 ang driver ng trak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *