TikTok pa more

TikTok pa more

Hello mga amigos amigas. Kamusta ang lahat? Eto ako laban lang ng laban sa buhay at kapit lang nang mahigpit sa Diyos.

Pag-usapan natin ang sikat na sikat na TikTok at mga TikTokers.

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at bawal lumabas ang mga kabataan at mga seniors natin lalo na mga may comorbidity nakahanap ng mapaglilibagan ang mga netizen na itago nating sa pangalang TikTok.

Malaking tulong sa aking kasayahan tuwing manonood ako ng mga nagti-TikTok paandar ng mga netizens lalo na ‘yung mga batang ang gagaling talaga sumayaw at mag-acting. ‘Yung mga may edad na eh nakakatuwa rin kase naman kahit ‘di sila kagalingan umindak eh nag-try rin naman sila hangang kaya nila. Nakaka-aliw talaga. Pang-alis bagot at pang-alis ng aning sa pang-araw araw.

‘Yung mga politiko at mga artista naman na nagti-TikTok ay pinipili ko naman ang papanoorin. Kase yung iba namang nagpost eh imbis na maaliw ka eh mabubuset ka at masisira ang araw mo kaya iniiwasan ko na lang ang mga ‘yun.

‘Yung iba naman ay nagamit ang TikTok para kumita lalo na ‘yung mga nawalan ng trabaho o kabuhayan.

Ako naman ay sumubok manood ng mga nag-share ng pagluluto, deep cleaning at mga arts. May mga nag-shoot sa banga naman na mga ginaya ko at may mga waley naman wit promising. Well, masaya rin naman ang ending ng mga ginaya at ‘yun ang importante.

Gusto ko na rin mag-try sundan ‘yung mga sumasayaw sa TikTok. Hindi naman sa pagmamalaki alam ko naman ang talent ko sa sayawan ehem haha kaya mukhang ‘di naman ako mabash kung sakali haha.

Konting araw na lang at malapit-lapit ko nang ilabas ang aking entry sa TikTok. Paki-abangan lang. Wow! Haha.

Yung mga TikTokers naman dyan ay ingatan namam ang mga posting ha. ‘Wag naman labas ang lahat lahat sa inyo like your dibdib at inangit. May mga bata rin tayong nakakakita ng mga post nyo. Konting ingat mga Ineng ha.

Basta tandaan dapat ang mga posting natin yung pang General Patronage naman ha ng hindi na para pumasok sa eksena ang MTRCB haha.

Dapat masaya lang ang buhay at walang parte sa ngayon ang lungkot. Ingat mga ka-Prexy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *