Mag-asawa nagutay sa granada

Mag-asawa nagutay sa granada

Dahil sa awayan sa selos, patay ang mag-asawa matapos sumabog ang isang granada sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Malaybalay, Bukidnon.

Ang mag-asawang namatay ay nakilalang sina Jojit at Romalyn Leona.

Batay sa report, kinompronta umano ni Jojit ang misis niyang si Romalyn dahil sa selos kamakalawa.

Habang nag-aaway ay hawak-hawak umano ni Jojit ang isang granada nang bigla na lamang itong sumabog.

Patay agad ang mag-asawa habang nadamay at nasugatan naman ang lima pang katao na kinabibilangan ng isang bata at isang sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *