Digong walang exposure sa COVID positive na si Inday Sara

Digong walang exposure sa COVID positive na si Inday Sara

Tiniyak ng Presidential Security Group (PSG) na hindi nagkaroon ng contact si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagpositibo sa COVID-19.

Noong Sabado ay inanunsyo ng tanggapan ni Mayor Sara na nagpositibo ito sa coronavirus disease kaya pinapayuhan ang mga taong nagkaroon ng close contact sa loob ng nakalipas na 14 araw na manmanan ang kanilang sarili sa anumang sintomas at magpa-COVID test.

“PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) was never exposed,” ayon kay PSG commander Col. Randolph Cabangbang.

Ayon sa kanyang tanggapan, ang alkalde ay nakakaranas ng mild symptoms at kasalukuyang nasa isolation.

Umapela ang kanyang pamilya ng privacy at nanawagan sa publiko na huwag magpapadala ng anumang bagay para sa kanyang paggaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *