DOLE hahatulan 13th month pay

DOLE hahatulan 13th month pay

Inaasahang maglalabas ng advisory ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa pagbabayad ng 13th month pay sa mga nagtatrabaho sa pribadong kompanya bunsod ng kinakaharap na problema ng mga employer ngayong pandemya.

“There is still time to study the situation, I’m sure the Secretary (Silvestre Bello III) or the department will issue an advisory as to how best companies especially those still reeling from the effects of the pandemic should address paying or non-paying the 13th month pay,” saad ni DOLE spokesperson Rolly Francia sa virtual forum nitong Lunes.

Nanindigan naman si Francia na ang 13th month pay ay itinatakda ng batas na dapat sundin ng mga kinauukulang sektor.

“Remember that the 13th month pay is mandatory. Unless of course there are circumstances that would exempt a specific or a particular company from paying and that includes closure,” ayon sa opisyal.

Tinanong si Francia sa forum kung may posibilidad na karguhin ng DOLE ang pagbabayad ng 13th month dahil sa mga employer na kapos sa kita, sinabi lang ng opisyal na may kahintulad na suhestiyon noong nakaraang taon kung saan ineengganyo ang ahensiya na humingi ng karagdagang budget “or give a facility to employers where they could get the funds to pay the 13th month pay of their workers.”

Noong nakaraang linggo ay isiniwalat ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mahihirapan ang ilang industriya na magbayad ng 13th-month pay, partikular ang mga negosyong hindi pa nakakabawi sa pagkalugi dahil sa mga pinatupad na lockdown.

Sa ilalim ng Presidential Decree 851, ang mga may-ari ng kompanya at establisiyemento ay inoobliga na magbayad ng 13th month pay sa December 24 o bago sumapit ang petsang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *