Imported galunggong babaha sa palengke

Imported galunggong babaha sa palengke

Darating ngayong linggo ang unang bulto ng mga inangkat na isda ng bansa, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Tinatayang 60,000 tonelada ng isda ang aangkatin ng Pilipinas sa 4th quarter ng 2021 upang mamantine ang supply ng isda at maiwasan ang pagtaas ng presyo nito.

Katuwiran ni BFAR director Eduardo Gongona, off-fishing season ngayon sa bansa kaya kailangang umangkat upang mapanatili ang supply sa mga pamilihan.

“[Bilang bahagi ng] conservation measures, kailangan natin palakihin ‘yung mga isda sa ngayon bago sila hulihin. Para mapunuan ‘yung kakulangan, kailangan tayong mag-angkat,” paliwanag ng opisyal.

Kabilang sa mga inimport na isda ay mga galunggong, matambaka, at tulingan na bibilhin sa China at Vietnam.

Umaabot na ngayon sa P220 hanggang P240 ang presyo ng bawat kilo ng galunggong sa palengke.

Noong Agosto ay inaprobahan ni Agriculture Secretary William Dar ang paglalabas ng certificate of necessity to import para sa pag-angkat ng isda dahil sa pagsasara ng panahon ng panghuhuli ng isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *