Ipinahuli ng pinendehong mister kapitan at sundalo nag-sex sa resort

Ipinahuli ng pinendehong mister kapitan at sundalo nag-sex sa resort

Matinding eskandalo ang inabot ngayon ng isang lalaking Philippine Army captain at isang babaeng sundalo makaraang mahuli sa aktong nagtatalik sa isang resort sa lalawigan ng Maguindanao.

Nahaharap na ngayon sa kasong sa kasong adultery at concubinage batay sa Articles 333 at 334 ng Revised Penal Code si Army Captain Ricky Serfino at Private 1st Class Ronna Serra, kapwa miyembro ng Philippine Army.

Mismong mga tauhan ng Parang Police ang nakahuli kina Serfino at Serra na habang nagse-sex sa isa sa mga cottage ng resort sa Parang, Maguindanao.

Nahuli umano ang dalawa batay na rin sa sumbong ng mister ni Serra na isa ring sundalo. Matagal na umanong nakakatunog ang mister ni Serra na nakikipagrelasyon ito sa ibang lalaki kaya sinundan ito para mahuli sa akto.

Dahil nahuli sa akto, wala namang nagawa sina Serfino at Serra kundi sumama sa mga pulis.

Sa ngayon, nakadetine na sina Serfino at Serra sa costudial facility ng Parang PNP.

Desidido naman ang mister ni Serra na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *