Jake Cuenca mananagot sa pambabastos sa mga pulis

Jake Cuenca mananagot sa pambabastos sa mga pulis

Ipinahayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar na titiyakin niyang mananagot ang actor na si Jake Cuenca sa ginawa nitong kawalan ng disiplina at pambabastos sa mga awtoridad.

Sa statement na inilabas kahapon ng PNP, sinabi ni Eleazar na bilang isang artista kailangang magpakita ng magandang halimbawa si Cuenca.

“Being an actor and a public figure, he must set a good example for people who idolize him by owning up to his mistake and facing its consequences,” pahayag ni Eleazar. “Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas, at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili.”

Kinondena pa ng PNP chief ang aktor. “Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place: May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula,” ani Eleazar.

Humingi rin ng paumanhin si Eleazar sa Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala habang hinahabol ng mga pulis si Cuenca. Tinamaan ang Grab driver nang barilin ng mga pulis ang gulong ng SUV ni Cuenca.

Bukod dito, inatasan din ni Eleazar si Eastern Police District Director Police Brigadier General Matthew Bacay na ilagay sa restrictive custody ang lahat ng mga pulis na sangkot sa insidente habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Pormal na ring sinampahan kahapon si Cuenca ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property at disobedience to persons in authority.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *