Sa Clark at Bataan na ang locations: ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ balik-taping

Sa Clark at Bataan na ang locations: ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ balik-taping

Hindi na sa Ilocos Sur ang lock-in taping ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ action series ng ABS-CBN.

Sa Clark, Pampanga at sa Bataan na raw ang locations ngayon ni Coco Martin at ng kanyang mga kasamahan.

Hindi rin daw sabay-sabay ang pagpasok sa ‘bubble’ ng lahat ng cast.

Kuwento ng isang source, si Julia Montes daw ay sa October 15 pa magla-lock-in taping at ang ibang cast daw ay papasok na ngayon.

“Sa October 15 pa ang alis ni Julia papunta sa lock-in taping. Mauuna ang ibang unit,” tsika ng kausap namin.

At least, magte-taping na uli ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’. (Ann Luja)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *