Guilty sa electioneering

Guilty sa electioneering

MAGSISIMULA ang maniobra sa 2022 election.

Aktuwal na ang diskarte kahit wala pang official campaign period.

Lahat ay guilty sa electioneering.

KAKAIBA ang kampanya ngayon dahil babahain ng propaganda ang social media.

Kanya-kanyang fake news at black propaganda.

HINDI maaabot ng mga national candidates nang physical ang 7, 100 isla para mangampanya.

Tanging social media lang ang magagamit nila.

KAHIT ang telebisyon, radio at dyaryo ay nalilipasan na ng uso.

Kakaunti na ang gumagamit ng traditional media.

Lahat ng tao ay naka-selpon na.

PERO, may natanggap tayong impormasyon na mayorya pa rin ng rehiyon ay walang maayos na signal ng internet.

Kung totoo ‘yan, malilihis ng diskarte ang mga political analyst.

DAHIL sa dispalinghadong telecom, mahalaga pa rin ang makinarya at physical campaign.

Ang kampanyang pisikal o face-to-face ay magagawa lamang gamit ng mga local leaders.

At diyan papasok ang makinarya.

ANG political machinery ay karaniwang kontrolado ng mga incumbent officials at kalaban nilang partido.

Sa ngayon, ang makinarya ay dapat ikinakatawan ng traditional political party.

SA Pilipinas, tradisyonal na magkaribal ang Liberal Party (LP) at Nacionalista Party (NP).

Naipanalo ng LP si VP Leni dahil nagamit ang makinarya ng gobyerno.

WALANG maayos na takbo ang NP na hawak ni Manny Villar pero magkakaaway nang personal ang kanilang mga miyembro na si Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes at Bongbong Marcos.

Hindi ginamit ni Marcos ang NP sa kanyang COC, at hindi ito ginamit ni Trillanes sa pagkandidato bilang senador.

ANG PDP-Laban ay pinag-aawayan ng dalawang paksiyon gayung wala itong gaanong matinong lider sa mga lalawigan.

Ang Aksiyon Demokratiko, Partido ng Masamang Pilipino, Peoples Reform Party ay may mahihinang makinarya.

HINDI rin gaanong tinutukan ang pagpapalakas ng NPC, NUP, LAKAS-CMD, LABAN, KAMPI at KBL na dating may malalakas na makinarya.

Dahil sa walang malakas na partido, nagkaroon ng limang kandidato ngayon sa pagkapangulo.

Isang Royal Rumble ang ating masasaksihan sa mga susunod na araw.

Survival of the fittest—iyan pa rin ang iiral–ang batas sa kagubatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *