KathNiel i-withdraw kaya ang suporta sa kandidatura ni Karla?

KathNiel i-withdraw kaya ang suporta sa kandidatura ni Karla?

Matindi pa rin ang issue tungkol sa banta ng mga fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel) na ihihinto nila ang suporta sa tandem.

Nag-ugat ito sa ginawang pagtakbo ni Karla Estrada, ina ni Daniel, sa party-list group na Tingog bilang third nominee ng group.

Ang Tingog, na pinamumunuan ni Representative Yedda Romualdez, ay bumoto ng ‘no’ sa hearing ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon sa mga KathNiel fan, hanggang hindi dumidistansya sina Kathryn at Daniel sa naging desisyon ni Karla ay babawiin nila ang suporta sa tandem.

Pakiramdam din ng mga fan na member ng MMXI ay nagamit sila dahil pina-repost sa kanila ang stickers ni Karla, not knowing na may kaugnayan pala iyon sa pagtakbo nito bilang party-list representative.

Hindi naniniwala ang mga fan na ang presence ni Karla sa party-list ay makatutulong para magbago ang isip nito at bumoto para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Willing kaya ang mag-sweethearts na Kathryn at Daniel na bawiin ang suporta nila kay Karla kapalit ng patuloy na suporta ng kanilang mga fan who had been there for many years?

Abangan! (Ricky Calderon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *