Libu-libong dinamita nasamsam sa Bukidnon

Libu-libong dinamita nasamsam sa Bukidnon

Libu-libong dinamita na gagamitin umano para bombahin ang mga nagpapatrulyang awtoridad at mga pasilidad ng gobyerno ang nakumpiska ng military sa Barangay Kalusangay, Malaybalay City, Bukidnon.

Sa ulat, kabilang sa mga nakumpiska ang 1,076 piraso ng 22mm x 189 gramo ng dinamita at anti-personnel mine (APM).
“This bulk of bomb materials were found after certain ‘Ka Gaspar,’ 47 (Name withheld for his safety) surrendered to the field troops in Bukidnon,” ayon kay Public Affairs Office (PAO) chief 4th Infantry (Diamond) Division (4thID) Maj. Francisco P. Garello, Jr. batay sa ulat ng Manila Bulletin.

Isinagawa umano ng pinagsanib na puwersa ng 8th IB, Bukidnon Provincial Intelligence Unit, Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine noong Oktubre 8 ang operasyon matapos ang pagbubunyag ng isang sumurender na miyembro ng Communist New People’s Army Terrorist (CNT).

Sinabi umano ng rebeldeng si Ka Gaspar na ang mga dinamita ay gagamitin para bombahin ang mga nagpapatrulyang sundalo sa Bukidnon pati ilang pasilidad ng gobyerno.
Hawak na umano ng Bukidnon Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine ang mga nakumpiskang dinamita para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *