Maggie council sa Miss U UAE

Maggie council sa Miss U UAE

Nasa Philippines na ngayon si Maggie Wilson at naka-hotel quarantine na mandatory requirement para sa mga galing sa ibang bansa.

Bukod sa pasabog niyang balita na hiwalay na sila ng mister niyang construction magnate na si Victor Consunji, ni-reveal din niya ang pagiging council ng Miss Universe UAE.

Meron lang daw kailangang ayusin sa bansa si Maggie at babalik din sa Dubai para naman sa November 7 pageant ng Miss Universe UAE.

As per her relationship with his husband, totoo naman na may maayos pa rin silang komunikasyon. May balita rin na tina-try ni Victor na ma-win back si Maggie, ‘yun nga lang, mukhang kung dati ang tsika ay may chance pa na magkabalikan ang mag-asawa, ngayon daw ay tila lumalabo na raw ito.

Well, sina Maggie at Victor na lang ang hintayin nating magsabi kung ano nga ba ang posible pang mangyari sa kanilang dalawa ngayong hiwalay na sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *