NCR curfew apat na oras na lang

NCR curfew apat na oras na lang

Simula Oktubre 13, mas maikli na ang oras ng curfew sa National Capital Region, ayon kay Metro Manila Council head at Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Sinabi ni Olivarez na magsisimula ang curfew alas 12 ng hatinggabi at magtatapos ng alas-4 ng madaling araw.

Ang hakbang na ito ay bunsod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos na bumagsak ang kaso ng coronavirus simula nang ipatupad ang Alert Level 4.

“Noong September 16, ang kaso ng active cases ay 38,471. Ngayon po ay mababa sa kalahati. Ang 38,000 naging 17,296 na lang,” wika ni Abalos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *