Palahingi ng pera: Buraot plantito ginilitan

Palahingi ng pera: Buraot plantito ginilitan

Dahil umano sa madalas na paghingi ng pera, isang 19-anyos na lalaki ang sinaksak at pinatay ng isang tricycle driver sa Las Piñas City noong madaling araw ng Sabado.

Batay sa ulat, natagpuan ang duguang bangkay ng biktimang si Michael Baracena malapit sa pila ng mga tricycle sa Pilar Road sa Barangay Almanza Uno madaling araw ng Sabado. May saksak ito sa leeg.

Sa imbestigasyon, nagpaalam umano si Baracena sa kanyang kinakasama na pupunta muna sa bahay ng biyenan pero hindi na umano ito nakapunta roon.

Naaresto naman ang tricycle driver na si Abiel Ralph Diaz, 35, alyas Rap-Rap. Nakita ito malapit sa crime scene at agad namang umamin sa krimen. Ipinakita rin nito sa mga pulis ang kutsilyo na ginamit niya sa panaksak kay Baracena.

Nabatid pa na si Baracena ay nagtatrabaho bilang hardinero para buhayin ang kanyang mag-ina niya. Mayroon itong isang anak na apat na buwan pa lamang.

Sinabi naman umano ng suspek na nainis na siya kay Baracena dahil lagi siyang hinihingan ng pera at wala naman siyang maibigay. Sinabi pa nitong kaibigan niya ang biktima.

Ayon naman sa kinakasama ni Baracena hindi niya kilala ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *