Sanggol napugot ang ulo habang ipinapanganak

Sanggol napugot ang ulo habang ipinapanganak

Napugutan ng ulo ang isang sanggol habang ipinapanganak sa lalawigan ng Abra.

Ayon sa ulat, sinabihan lamang ng doktor ang ina na namatay ang sanggol habang ipinapanganak.

Nang maiuwi na sa bahay ang bangkay ng sanggol ay saka nadiskubre ng pamilya na putol pala ang ulo nito.

Sa ulat pa ng GMA News, ikinukonsidera ngayon ng pamilya ang pagsasampa ng kaso laban sa Abra Provincial Hospital.

Sinabi naman umano ng mga kinatawan ng ospital na handa silang harapin ang kaso.

Ikinatuwiran pa ng ospital na namatay ang sanggol sa loob pa lamang ng tiyan ng ina kaya kailangang gawin ang lahat para maisalba ang buhay ng ina.

Iniimbestigahan pa ang insidente at hinihintay pa ang opisyal na statement ng doktor na nagpaanak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *