Sunshine bilib kay Andrew

Sunshine bilib kay Andrew

Kahit na baguhan pa lang sa acting, aware naman si Sunshine Guimary na importante ang timing lalo na sa comedy.

Kaya naman bilib si Sunshine sa style nang pagpapatawa ni Andrew E. na bida sa comedy movie nila na ‘Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan’.

“May sarili siyang style ng comedy na very effective ang dating,” sabi ni Sunshine about her leading man.

Kaya raw dapat, bilang screen partner, ay kaya rin niya na makipagsabayan sa husay ni Andrew sa comedy. Experienced na kasi si Andrew sa pagpapatawa.

Malaki naman daw ang naitulong ni Andrew para maging maayos ang acting niya, sabi pa ni Sunshine.

Sabi naman ni Andrew, masaya working with young leading ladies like Sunshine dahil pakiramdam niya ay bumabata rin siya. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *