Trak nasunog, pahinante natusta

Trak nasunog, pahinante natusta

Patay ang isang pahinante ng trak habang sugatan naman ang truck driver makaraang masunog ang sasakyang kargado umano ng gasolina habang bumibiyahe sa Cadiz City, Negros Occidental.

Ayon sa radio report, binabaybay ng Mitsubishi Canter truck ang Barangay Luna, Cadiz City nang naramdaman ng driver na nag-aapoy na ang trak pasado alas-2:00 ng madaling araw kamakalawa.

Napatalon umano palabas ng trak ang driver at naiwan ang pahinante na noo’y natutulog.

Sa pagtalon ng driver, bumangga ang trak sa railings ng highway at bumaligtad bago tuluyang nilamon ng apoy kasama ang pahinante.

Lapnos din ang talampakan ng driver na hindi pa makausap dahil sa trauma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *